Ang Lundayang Ortigas o Sentrong Ortigas (Ingles: Ortigas Center) ay isa sa pinakamahalagang distritong pangkalakalan pagkatapos ng Lungsod ng Makati. Matatagpuan ito sa pagitan ng Lungsod ng Quezon, Lungsod ng Mandaluyong, at Lungsod ng Pasig. Matatagpuan din dito ang ilang pampublikong pamilihan tulad ng SM Megamall at Liwasang San Francisco. Sentro ng panghalina ang karamihan sa lugar na nasasakupan nito at may ilang pook palatandaan katulad ng Kambal na Toreng BSA at SM Megamall. Kilala ito dahil sa lokasyon nito sa pagitan ng tatlong lungsod at dinadaluyan ng EDSA.
Maraming naglalakihang gusali ang itinayo sa sakop nitong lupain upang magkalakal o magnegosyo at magkaroon ng masinop na lokasyon para sa isang opisina.